seperate but equal, friendly friends (baldeas, 2007)
dumaan na at natapos na GASC sa UP Los Banos at mahirap pa rin makalimutan ang mga nangyari sa taunang gawaing iyon. masasabi na birhen (virgin, first-timer, naive, alang malay, etc.) sa GASC. kahit na nakapanuod na ako ng mga balitak-takang kapareho ng GASC sa telebisyon, iba pa rin ang pakiramdam kapag napapanuod at nakikilahok ka sa live na live na debate at tagisan ng kuro-kuro, facts, life stories ng mga tagapagsalita, at madami pa iba at the side. first time ko nakakita at makilahok ang isang pormal na parliamentary debate (nagsalita ako para sa boto ng aming konseho) at nakilala si kuya "Robert" o robert's rules of order, ang 'bibliya' ng mga nakikipag-debate at sandigan ng kaayusan sa isang parliyamentaryo o plenaryo. higit sa lahat, sa kauna-unahang pagkakataon natutunan kong maging matatag at maging masaya sa pagkatalo. alam ko na kahit natalo kami sa mayorya, panatag kong masasabi na lumaban kami para sa reporma at pagbabago.higit pa sa mga debate sa loob ng plenaryo ng GASC, nakabuo ako at ng konseho ng mga koneksyon... pagkakaibigan sa iba pang mga konseho sa buong UP ang tinaguriang 'friendly friends' (herrera, 2007). naniniwala ako na kahit ang mga konsehong bumoto laban o nag-abstain sa aming mga mungkahi ay mga kaibigan na natin sa paglilingkod sa mga mag-aaral at sa bayan. i hope that more than the GASC and the politics behind it, councils are bonded in the common goal of promoting students' rights and welfare.
pero kailangan nating ibalik ang pagtuon natin sa GASC at ang mga prinsipyo nito, ang pagbutihin ang pagpili sa rehente ng mga mag-aaral, ilatag at ipakilala sa mag-aaral ang prosesong ito, maging pantay ang pagtingin sa lahat ng mga konseho sa buong UP, at ipagtibay ang isang rehenteng tunay na titingalain ng mga mag-aaral. kaya naman, ipagpapatuloy ng aking konseho at ang mga susunod ng konseho ng CSSP ang pakikipaglaban sa isang tanggapan ng rehente ng mga mag-aaral na epektibo, episyente, at demokratiko.
again, i must manifest that CSSP rock the GASC!
Labels: 2 days later, CSSP Student Council, Next Level


0 Comments:
Post a Comment
<< Home