Sunday, October 14, 2007

something must've happened.

matagal tagal na rin ako di nakakapag-post dito... nakakamiss din pero maraming ginagawa sa buhay. ano bang dapat sabihin? sa loob ng ilang buwan, ano bang ang masasabing highlight ng nakaraang mga buwan? matatapos na muli ang isa pang semestre. isang exam na lang ako (yung 199), at technically bakasyon na ako academically, extra-curricular wise, hay naku, hindi matapos tapos. at sa kauna-unahang pagkakataon, kinakabahan ako sa mga grades ko. pakiramdam ko marami akong gustong i-prioritize (acads, pamilya, likas, council, etc.) pero sa huli mediocre lang pala ang kung tutuusin ang mga pinaggagawa ko. maraming nakaambang mga gawain sa susunod na semestre at gusto ko na lang magtago... pindutin ang 'pause' ng remote control ng buhay ko.


sige, kailan na muli bumalik sa totoong buhay... maglilinis muna ako ng bahay. madumi na dahil wala ng tumatao. siguro maya-maya balik na muli sa pag-aaral, aayusin ang mga priorities sa buhay, mag-iisip kung anong mga plano sa buhay... pero bago ang lahat... ano kaya mas magandang panoorin? superman returns o pirates of the carribean: the dead man's chest? so many choices, so little time.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home