Wednesday, October 24, 2007

for more planning and adventures 2007!

in sharp contrast sa aking buhay, nagkaroon ng mga semplanning ang cssp student council (CSSP SC)at ang mga komiteng kinabibilangan ko roon, namely pubcom at sec. for 4 straight days (minus sunday) ay nagkasunod-sunod ang mga meeting at planning ng konseho at mga komiteng ito. oktobre 19, ginanap ang planning ng pareho kong komite, ang sec sa umaga (8n.u hanggang 4n.h.) sa cssp sc office at ang pubcom nung gabi naman sa the legend villa sa pioneer, mandaluyong.

although seryoso dapat yung planning naging super saya at naging oras ito para sa mas maraming bonding with fellow councilmates. dahil sa maraming mga gawain sa bahay late na akong dumating sa planning ng sec pero syempre i make it a point na bumawi ako at maging participative sa planning. after ng sec ay diretso na ang mga pipol patungong the legend villa at sinimulan ang planning ng pubcom.

ngayon ko lang na-realize ang pagpunta sa pioneer mula peyups ay isang malaking adventure. dahil sa mga nangyari sa makati ng araw na iyon ay iniwasan ko at ng aking kasama noon na si missy g. (the sexy-gen ng aming konseho) na sumakay ng any public transport (MRT, bus et.al.) at dahil sa rush hour ng mga panahon na iyon nahirapan kaming maghanap ng masasakyang taxi... sa wakas ay nakahanap na kami ng taxi sa may shaw blvd. at tumungo na sa legend villa.

pangalawang beses pa lang akong tumira sa isang hotel/ villa/ residences at ang legend villa ang pinakamaganda at enjoy sa lahat. maliban sa air-con ang aming two-storey apartment type na kwarto mayroong wi-fi, 6 na beds, 2ng bathroom na may hot & cold shower at 'bidet' (not sure kung ano pero may idea na ako kung ano function nun... hihihi...) kitchen, at ang icing-ng-cake sa aming stay... card-access ang aming pinto! di ba ang saya?! matapos ang aming planning sa pub with butchy, det, me and lester na tumagal ng mga 2ng oras (because we're efficient and cool) ay nagbonding na lang kami with other councilmates habang nanonood ng PBB at habang nagpapamasahe si harmond. matapos noon ay nag-midnight snack kami at natulog at sabik na sabik na inabangan ang libreng agahan.

ang libreng agahan c/o ng legend villa ang pinakamasaganang aghahan ever, with unlimited rice, ulam, toast bread, juice, butter, etc. in short kumain kami hanggang mabusog. matapos ang agahan at pahinga ay nagtungo kami sa swimming pool upang sulitin naman ang hotel. normal naman ang swimming pool ng legend villa maliban sa isang feature... may alon! (joke!) may JACUZZI! hindi yung jacuzzi ng likas bro (wink!) pero ang jacuzzing may mainit-init na tubig, at bath soap bubbles. sobrang relaxing ang tubig at bula habang nage-enjoy sa magandang kwentuhan. haay... i wish na may slow-mo ang buhay ala click! para tumagal ang moment na iyon. pero all good things must come to an end. may check-out time kami ng 2pm kaya naman after ng isang quick lunch ay linisan na namin ang the legend villas.

maraming salamat, lester p., ang aming mahusay na pubcom head sa magandang accomodations na hinanda mo para sa pubcom. tayo na siguro ang may pinakamaganda at pinakamasayang planning sa lahat.

mahaba haba pa ang kwentuhan pero may gagawin pa ako... abangan na lang ang mga kwento ko sa second sem planning ng cssp-sc sa tagaytay!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home