Tuesday, October 16, 2007

it's all coming back

waaa... i must say.

nag-tsek ako ng e-mail kanina and guess what?! yung subject na malamang ibagsak ko ngayon sem ay nagskedyul ng final exam kaninang alas-4 ng hapon. akala ko naman... waaa... bad trip talaga, bakit ganoon ang twists ng mga bagay? habang nakikita ko ang mga kapwa mag-aaral kong subsob sa paghahabol ng mga requirements ito namang akong si gago, parang wala lang. haayy... bawi, bawi na lang... sana hindi matuloy ang worst-case scenario ko na bumagsak sa subject na iyon (don't ask, insulting lang kapag nalaman niyo), siguro i-email ko na lang yung prof., at tanungin kung bakit in-anunsyo ang isang alas-4ng exam ng alas-8 ng umaga sa pareho araw.

sige na nga... balik na muli sa pag-aaral, baka may ma-salvage pa ako sa semestreng ito, bukas ay mage-exam kami tungkol sa historiograpiya (3rd exam, at final exam na ata), ie-exam namin sina spengler, toynbee, annales school, post-modern historiography (nosebleed ito, promise!) at postcolonial a.k.a. subaltern school. good luck talaga.

after the hellish exams... sem-ender na... kaya naman, pulilan, bulakan nandito na kami! yahoo!!!

bakit nga ako nag-blog kung may exam ako bukas? ewan.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home