Sunday, December 10, 2006

Happy Birthday Kuya Floyd!

Magandang Gabi sa lahat.

Una sa lahat gusto ko lang sabihin na napakasaya ko ngayon dahil nasabi ko na sa mga magulang ko ang aking mga intensyon na tumakbo sa Student Council ("assuming na yun..."). At least, alam na nila ang mga plano ko para sa susunod na mga buwan at sana suportahan nila ang aking desisyon. Actually, medyo naging halo-halo yung reaksyon nila, as usual, skeptical na naman si Mama, ipinagdiinan niya na mag-pokus na lang ako sa academics ko pero malaki talaga ang pasasalamat ko na ayos naman ito sa Papa, basta sabihin lang yung mga particulars ng campaign period ("assuming talaga...")

Kaya yun medyo nabawasan na ako ng tinik sa lalamunan (actually parami na ng parami ang tinik sa lalamunan ko...), at inaantay ko na lang ang "the day" kung ako ba talaga ang patatakbuhin o hindi.

Babatiin ko lang si G. Floyd Ericson Rey na isang Belated Happy Birthday, at nais ko lang din ipaalam na naging masaya ako sa kanyang hinandang salu-salo. Maraming salamat din sa maiinit mong pagtanggap sa amin sa iyong tahahan, kahit malayo ang iyong bahay sulit na sulit naman ang lahat. Actually marami pa dapat akong ipagpasalamat sa taong iyan pero sa ibang post ko na lang ito sasabihin o di kaya sabihin ko na lang ito ng personal (whatever works...)

I-pagpag ko lang... Kagabi (actually kaninang umaga pala) nalockan ako sa bahay ko dahil wala akong dalang susi tapos hindi pa dumadating sina Papa, Mama at Angelique galing Parañaque. Dahil na rin sa takot para sa aking kaligtasan ay nagtungo (naglakad actually) ako sa pinakamalapit na 7-11 upang doon sila antayin. Masaya naman dahil nakakain uli ako tapos nagkaroon ako ng libreng lesson sa sociology mula sa pakikinig sa guard ng 7-11 at sa kanyang kasintahan na isang estudyante.

Tanong ko lang kung saan ko saan nakakabili ng MAGAGANDANG bookmarks? Para ang hirap makahanap sinubukan ko sa aming National Bookstore pero wala ako makita. Salamat in advance sa makakasagot.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home