Wednesday, November 01, 2006

Mag-isa kasama ang mga kaluluwa (Actually I can't see them so technically and physically I'm alone)

Super fucked up itong blog na ito! Parang sinasapian. Ang hirap gumawa ng bagong talata, laging dumidikit dun sa sinundan nito. Shet talaga.

UPDATE: As of October 31, 2006 natapos ko nang ayusin ang mga dati kong mga gamit (readings, handouts, mga libro, etc.) sa aking bagong biling lalagyanan na may gulong (smile). Sa mga curious na malaman kung paano ko inayos ang mga kagamitan ko, inaayos ko siya by subject so madaling mahugot kapag may kailangan ako halimbawa sa Amerika Latin (BTW, kung gusto niyo talaga ng overview ng buong kasaysayan ng Amerika Latin ang librong History of Latin America, Vol. 1 & 2 ang pinakamagandang libro para dito) o di kaya sa Microbiology & Biotechnology. Next sinilid ko sa mga magagandang asul na folder maaring palakihin ang laman dahil expandable na binili ko sa National para maayos tignan. Para naman sa kanyang label, nag-print ako ng mga label na hugis parisukat na medyo may curve, (yung label nung Ambitan... makakrelate nito si John Lee at mga Eduk pipol) nakalagay dun yung subject, (mga) propesor/a, at yung semestre at taon kung kailang ko kinuha yung subject. P-in-rint ko ito lahat sa isang sticker paper (salamat sa mga Eduk pipol for the idea.) So yun, madali naman siya kasi nag-organize na ako ng mga papers ko mula nung summer vacation (a very short vacation for that matter) kaya nilipat ko na lang siya sa mga bago, magaganda at labeled na folders.

Matapos ang lahat na ito, feeling ko ang linis-linis na ng kwarto namin ni Angelique. Dahil mula nung magsimula ang nakaraang semestre di ko pa naaninag ang aming desk sa kwarto dahil tambak ito ng mga libro, papel at kung anu-anong gamit. Finally malinis na at handa na muli sa susunod na pang-aabuso ng sususnod na semestre. Masarap na ring magbasa ng libro sa kwarto namin at sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang buwan, maari nang magpahinga na lubusan sa kwarto namin.

Ngayon naman ay November 1 (as you know pero dun sa mga walang sense ng time dahil nakabakasyon din pati ang mga utak...) pero wala ako sa sementeryo dahil sa isang insidente sa bahay (di siya ghost story... sheeesh!). Kagabi kasi sa di maipaliwanag na dahilan ay nasira ang lock sa aming metal gate (o di kaya sub-standard ang pagkakagawa), kaya nakakawit ang mga pinto ng isang di-hilang lock at maari lamang isira kapag nasa loob ka ng bahay. Kaya yun, kinailangan maiwan sa bahay para bantayan ito. Kaya yun ngayon araw na mga kaluluwa kami nanaman ni Raskie ang mag-kasama.

So Angeli, patawarin mo ako sa pang-iindiyan ko ngayon sa iyo sa Eternal Gardens, sana maintindihan mo.

Nawe-weirdohan ako sa ating kultura, kahit na marami rin namang Katolikong bansa ang nagdiriwang ng Nobyembre 1, tayo lang ang pumunta sa mga sementeryo para gawing piyesta ang araw na ito. Wala lang. Kung may alam kayong ganito rin ang sitwasyon o tradisyon, share niyo naman. Pero masaya na rin ako na ganito, Unique.

So yun, sa susunod kung entry, i-kukuwento ko naman ang mga anay sa aming kabinet. (Promis kapana-panabik ito)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home