OCs of the World Unite!
UPDATE: October 29, 2006 - Bumawi na ang Tita namin kay Angelique dahil hindi siya pumunta sa birthday bash niya nung Oct. 22. Pumunta kami sa SM San Lazaro kahapon ng hapon at kumain kami sa Burger King (ino-order ko yung Macheseemo Junior Whooper... yummy! pareho kami ng tita ko sa ino-order, tapos si Angelique one-piece Chicken... cheap!). Yun sa dami ng kinain ko kinabag tuloy ako. Hehe...Tapos yun inantay namin sina Mama at Papa para ituloy ang kasayahan. Since kakain lang namin hindi na kami kumain (btw, kumain sila sa Inasal Chicken... yummy din). Tapos nun nagikot-ikot muna kami ng tita ko at si Angelique sa mall.
Naiisip ko na since wala naman akong ginagawa sa bahay mamimili na lang ako ng mga organizing stuff sa National para maayos na mga magugulong gamit ko, kahit nananalanta si Paeng sa Norte, that doesn't mean na iwanan kong sinasalanta ang mga gamit ko. Kaya namili akong ng mga kagamitan pa-organize na aking mga school stuff dahil sobrang gulo na ng mga reading at hand-outs ko kaya dapat na simulan ang Oplan Organize 1st Semester 2006 (syempre mag-aayos uli ako sa Marso). Bumili ako ng mga folder (dapat pare-pareho ang mga kulay... i chose dark blue), sticker paper (for labeling), at mga paper clips (for binding). Tapos namili naman kami nung malaking plastic container (yung de-gulong... hindi ko alam yung pangalan nun, sorry.). Yahoo!!! Masisismulan ko na ito. Medyo matagal-tagal ko na itong pina-plano at sa wakas makakapagsimula na ako.
Ang tagal naman bumalik ng CRS. Lalo akong naatat makita grades ko. Shet kuya, wala lang.
Okay yun lang, gusto ko nang simulan itong pag-oorganize ko para maging mabunga ang sem-break ko. Paano ko kaya ito i-oorganize? Alphabetical? By Subject? By Year? ... So many choices... So little time.
Happy Halloween na lang sa lahat. BTW yung Halloween special ng ABS sucks big time. Sayang nawala na yung appeal sa akin ng mga horror special. Ang pangit mag-host ni Albert Martinez parang nag-o-oration. Ang flat niyang mag-salita.
Shet kuya, maglilinis pa ako ng bahay. Ang daming dapat gawin. Alis na ako. Weird nung pinapanood ni Angelique, Betty la fea, nagwawala yung lalaki.
Labels: Update


0 Comments:
Post a Comment
<< Home