Damn that COMELEC!
Nung isang araw nakikinig kami sa DZMM 630 sa show ni Ted Failon at Korina Sanchez. Kinontak ni Ted ang ating COMELEC Chairman na si Abalos (sorry forgot the first name). Pinapaalam lang ni Ted na nagiging magulo na ang pagrerehistro sa registration centers lalo na raw sa Quezon City. Siguro medyo naaburido ang ating Chairman kaya medyo nag-tirada siya sa mga kababayan natin na ngayon lang nagpaparehistro. Sabi pa niya na dapat lang na turuan ng leksyon ang mga kababayan na tatamad-tamad at ngayon lang sabay-sabay na nagpaparehistro. Di na raw kaya ng COMELEC na maayos at mapadala pa ng mga tauhan sa mga lugar na may karamihan ang mga nagpaparehistro. Sabi rin ni Abalos sa nasabing interbyu na di na rin maaring magbigay ng palugit at pahabain ang rehistrasyon dahil sa di-umanong sinusundan na skedyul at nasasabi rin naman sa ating batas na hanggang sa ika-31 ang dedlayn ng pagrerehistro (sorry, di ako sure dito, pero narinig ko somewhere eh.).
Maari naman nating sabihin na may pagkukulang ang mga bagong magpaparehistro. Binigyan naman talaga ng mahabang palugit upang lahat ng mga bagong botante ay makapagrehistro sa oras. Sa huli, pinakita nanaman nito ang Mañana (Bukas na) Habit ng mga Pilipino ang pagsasantabi ng mga gawaing maari namang gawin ngayon.
Medyo nagui-guilty lang ako. Di rin naman ako naiiba sa ibang tao... Masayado lang ako tinamad kaya ngayon lang ako magpaparehistro... Excuses... Excuses... Excuses... Nakakahiya, nasa FTV (First-time Voters) Project pa naman ako. Di bale, Promis, I will vote WISELY.
Ngunit hindi namang maari mapunta ang lahat ng sisi sa mga botante. Ang biglang pagdagsa ng mga magpaparehistro ang naglantad sa kamalian at malaking pagkukulang ng COMELEC sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Isa lamang itong sneak preview sa kalalabasan ng 2007 Midterm Election natin... Magulo, Walang Sistema, Nakakapagod. Harinawa hindi magkatotoo ang mga hula ko sa eleksyon natin.
Sa ngayon, umaasa ako na matatapos na ang pagrerehistro namin ni Angelique sa aming lokal na COMELEC Office. Nakakasiguro rin ang isang konsehal sa aming lugar na di niya makukuha ang aming boto sa eleksyon matapos niya itulak si Angelique para mabilis niya matakasan ang maiinit at nakakasulasok na 3rd floor ng COMELEC Office ng San Juan. Para sa "kagalang-galang" na konsehal ng San Juan na yun, para sa iyo ito GTH, you Son of a B*****!
Labels: Angry, Self-introspection, Update


0 Comments:
Post a Comment
<< Home