Sunday, September 03, 2006

post - Ambitan

Salamat, salamat matagumpay na natapos ang ika - 16 na Pamabansang Kumperensya ng aking pinakamamahal na organisasyon, ang UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS). Para sa akin ang lahat ng hirap at pagod ng mga ilang buwan ay tila naglaho dahil sa hindi mapapantayang saya at sa mga naibahaging karunungan ng ating naimbitahang mga tagapagsalita.

Salamat, salamat sa lahat ng mga taong tumulong at syempre sa ating lahat sa UP LIKAS na nagtulong-tulong upang mabuo ang kumperensyang ito. Una sa lahat, sa mahusay na pamamahala ni Bb. Ros Costelo. Nakita naming ang kanyang pagod at di mapapantayang dedikasyon sa trabaho. Sa lahat ng iyong ginawa, saludo ang buong LIKAS sa iyo, at sa aming lahat ng mga bagong miyembro, isa kang inspirasyon upang pagbutihin namin ang aming mga gawa at ibuhos ang lahat para sa organisasyong pinakamamahal.

Salamat, salamat sa mga ka-miyembro ko sa LIKAS. Ako ay nasasabik sa susunod na Pambansang Kumperensya. Tulad nga ng sinabi ni John Lee, "next level" na ang susunod na taon. Ako rin ay natutuwa na sama-sama nating itong nairaos at hindi basta bastang nairaos kundi MATAGUMPAY nating ito nairaos. Ang ating mga gawa sa nakaraang kumprensiya ay sulyap lamang ng mga magagandang bagay na ating sama samang kahaharapin. Salamat una sa mga kasama ko sa PUBKOM, ayaw man nilang aminin ay tunay na tayo ang pinakamahusay at pinakamagagandang nilalang dito sa LIKAS. Kina G. Floyd Rey, G. Daniel San Jose, Bb. Ayshia Kunting at G. Kristoffer Esquejo, maraming maraming salamat at mabuhay tayong lahat. Sa EDUK, kina G. Eduard Doron Flores, G. John Lee Candelaria, at G. Alvin Campomanes (Ang "Triumvirate" ng EDUK ayon kay John Lee) sa masigasig na pagptratrabaho at pagsasa-ayos ng kumperensya. Hindi rin dapat kalimutan si Bb. Kathryn Ann Manalo sa kanyang masigasig na pagtulong sa EDUK at sa kanyang aking katalinuhan at kasipagan. Maraming salamat. Maraming pa dapat pasalamatan, ang FINCOM at MEMCOM sa kanilang mga di-matatawarang pagtratrabaho lalong-lalo na kina G. Marvin de Paz, G. Mark Marvin Lagos at Bb. Jenn Balmes ng FINCOM, at sina G. Adrian Rivera, Bb. Angeli Serapio, at Bb. Carmelle Lacuata ng MEMCOM, Maraming Salamat at Mabuhay ang FINCOM at MEMCOM. Marami pang nakaatang na trabaho para sa ating lahat, isa na rin itong apela na lahat, kailangan muli ng ating lakas at talino sa pagsasa-ayos na dokyumentasyon ng kumperensya, kaya naman ating tulungan ang DOKYU sa pagsasa-ayos nga ng mga tapes at transcription ng kumperensya. Ako ay kampanteng magiging madali ito basta sama-sama tayo.

Salamat, salamat sa Office of the UP President, sa Office of the Chancellor, sa OICA na tumulong sa atin na malagpasan ang mga problemang pinansyal ng kumperensya. Isang pasasalamat ang inaabot ko lalo na sa Departemento pinakamamahal ko, tinurunan ninyo kaming maging matatag at maging independyente sa aktibidad na ito. Tinuruan ninyo rin kaming umasa at sumandal sa kapwa naming mga Likasyan at umasa sa isa't isa. Muli, maraming salamat.

Marami pang maaring pasalamatan at bigyan parangal sa di matatawarang kontribusyon na kanilang binigay sa LIKAS at sa Pambansang Kumprensya. Maraming maraming salamat sa mga ALUMNI, na walang sawang tumulong sa amin. Ako ay umaasa sa matagal at mahabang pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga miyembro at alumni ng UP LIKAS.

Muli, maraming salamat at napatunayan natin sa LAHAT na tayo ay mahusay at tayo'y "tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysaysayan"

Isang pahabol, habang tinatapos ko ang post na ito, ay nilampaso ng UP Fighting Maroons ang kalaban nito sa iskor na 92 - 85. Mahusay at magandang pagtatapos ito ng ating Season 69 sa UAAP. Mabuhay kayo at kami ay umaasa sa inyong mas pinaigting na paglaban sa Season 70 upang makuha ang kampyonato.

Labels:

2 Comments:

At 11:50 PM, Blogger Lee said...

Parang speech lang sa Ms. Universe ah. I thank you all. Hihi. On to the next level Andrew!

 
At 10:45 PM, Blogger unEmfLoYd said...

Sabi nga ni Dr. Mila Guerrero, huwag gamitin ang salitang "nairaos". Tignan ang etemolohiya ng salitang "raos". Pinaghirapan natin ng ilang buwan ang kumperensya na ating maluwalhati at matagumpay na "naisagawa".
On a lighter note, in your face Daniel! Ako ang unang kinilala sa PUB COM!!!

 

Post a Comment

<< Home