Sunday, July 16, 2006

After Thought

1.29 AM, Linggo

Gusto ko na matulog pero sa hindi malamang dahilang ay ito gising pa rin at gumagawa ng isang blog na hindi ko naman talaga binabasa dahil na rin sa mga sumusunod na dahilan (1) wala akong oras para magmintina, (2)nabubuwisit ako sa aking mga pagkakamali sa grammar, (3) hindi ko talaga gawain, at (4) hirap mag-isip ng ipo-post.

Ngunit, ito pa rin ako, sinusubukan magtype ng mga salita, mga "random thought" ika nga. Walang patutunguhan ang mga sinusulat ko pero sabi nga ng isang kilalang propesor sa aking unibersidad ang mga "random thought" parang polusyon yan sa utak natin, kapag hinayaan natin iyang maglagi sa ating utak ay magiging balakid yan sa ating pag-iisip.



1.36 AM, Linggo pa rin, currently playing in my media player: Ani Wana ng Pinikpikan
Naku! Naguguilty na ako! Torn between pleasure and thinking like mad. Balik nanaman ako sa pagcra-cram ng mga dapat gawin sa aking mga acads.

First job, ang paper sa 164.

Ang El Guada... El Guadalupanismo Mexicano (di ko parin masabi ito ng maayos)


El Guadalupanismo Mexicano: Isang Pagsusuri sa Kasaysayan ng Debosyon sa Nuestra Senora De Guadalupe ng Mexico
(1531 - 2006)

Interesting ang topic, sana wala masaydong pressure na tapusin agad.

I hate Dictatorships... siguro kung buhay ako sa panahon ni Marcos, pinatay na ako.

Second job: The looming long exam in Pol Sci 11.

Medyo inaasahan ko na ito na mag-eexam na kami pero na realize ko na wala pa talga ako na-aaral. Tulog ng tulog kasi sa klase. Gotta define 60 political terms. I wish I didn't take Pol Sci, but gotta face it like a man. Suck it all up, 'pre. Don't give up yet. *Groans

Third job: KAS 109 Notes Transcription

Mgulonog ang nteos. Maraming _________________________ blan__________ko. In--co-here---nt thoughts. Looming midterms. No chance of passing.

Need to say more?

Fourth Job: Espanol 13 - 14
Tengo que estudiar. Period.
1.48 AM, Linggo --- obvious bang isang umaga ko lang ito ginagawa? Currently playing in my media player: Hogwarts' March (nakaka-aliw, promis :D)


Boy, ano pang ginagawa mo pa dyan?

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! MATULOG KA NA!!!" --- probable rant of my mom, if she caught me still awake and still surfing the net.

1.53 AM. ZZzzzzz...
Sori nakatulog na... Sige na nga... Alis na ako... Must sleep.. Loooooong Day......


GO UP!
Shoot down the Blue Eagles!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home