Sunday, November 11, 2007

this time i'll be ready

pasukan nanaman. panahon nanaman ng mga exams, quizzes, papers, puyatan, bonding moments, etc. etc. ito yung walang katapusang stress pero walang katapusang pagkilala sa sarili at sa sariling potensyal (ala 'realize yer potential' lang).

technically di pa ako enrolled sa UP pero super excited na ako sa semestreng ito. bakit ko naman nasabing excited? narito ang run-down na aking semestre: although i didn't get my planned subjects for this sem (p.i. 100 at 2ng mst) 18 units pa rin ako: 9 units ng kasaysayan courses namely kas 199.2 (historiography), kas 100 (intro to world history) at kas 115 (diplomatic history of the philippines) at 9 units ng geography courses: geog 133 (geog of the tropics), geog 171 (political geog) at geog 151 (geog of europe). academically super busy na ako pero there's more. yes! dahil aside from my academic endeavors this semester, nakalatag na aking mga aktibidades pang-extra curricular tulad ng cssp student council, up likas, buklod cssp, at super marami pang iba.

siguro, unlike noong last semester, mas alam ko na ang mga haharapin ko ngayon. hindi magbabago ang mga gawain (malamang magiging mas challenging pa). mas marami pang problema pero mas maraming opportunity na maging mas mahusay at patunayan ang sarili sa lahat. (naks!) in short, this time i'll be ready.

what can i say? sabi ng isang koreanang artista... 'aja' na for this semester! go me!

at sa babasa ng blog na ito, alam kong may mga hamon ka rin sa buhay mo, kaya naman i say to you... aja!

happy second semester!

Labels: , ,

Saturday, November 03, 2007

indiana jones and the kingdom of the crystal skull

Coming Soon
2008

Labels: ,

seperate but equal, friendly friends (baldeas, 2007)

dumaan na at natapos na GASC sa UP Los Banos at mahirap pa rin makalimutan ang mga nangyari sa taunang gawaing iyon. masasabi na birhen (virgin, first-timer, naive, alang malay, etc.) sa GASC. kahit na nakapanuod na ako ng mga balitak-takang kapareho ng GASC sa telebisyon, iba pa rin ang pakiramdam kapag napapanuod at nakikilahok ka sa live na live na debate at tagisan ng kuro-kuro, facts, life stories ng mga tagapagsalita, at madami pa iba at the side. first time ko nakakita at makilahok ang isang pormal na parliamentary debate (nagsalita ako para sa boto ng aming konseho) at nakilala si kuya "Robert" o robert's rules of order, ang 'bibliya' ng mga nakikipag-debate at sandigan ng kaayusan sa isang parliyamentaryo o plenaryo. higit sa lahat, sa kauna-unahang pagkakataon natutunan kong maging matatag at maging masaya sa pagkatalo. alam ko na kahit natalo kami sa mayorya, panatag kong masasabi na lumaban kami para sa reporma at pagbabago.

higit pa sa mga debate sa loob ng plenaryo ng GASC, nakabuo ako at ng konseho ng mga koneksyon... pagkakaibigan sa iba pang mga konseho sa buong UP ang tinaguriang 'friendly friends' (herrera, 2007). naniniwala ako na kahit ang mga konsehong bumoto laban o nag-abstain sa aming mga mungkahi ay mga kaibigan na natin sa paglilingkod sa mga mag-aaral at sa bayan. i hope that more than the GASC and the politics behind it, councils are bonded in the common goal of promoting students' rights and welfare.

pero kailangan nating ibalik ang pagtuon natin sa GASC at ang mga prinsipyo nito, ang pagbutihin ang pagpili sa rehente ng mga mag-aaral, ilatag at ipakilala sa mag-aaral ang prosesong ito, maging pantay ang pagtingin sa lahat ng mga konseho sa buong UP, at ipagtibay ang isang rehenteng tunay na titingalain ng mga mag-aaral. kaya naman, ipagpapatuloy ng aking konseho at ang mga susunod ng konseho ng CSSP ang pakikipaglaban sa isang tanggapan ng rehente ng mga mag-aaral na epektibo, episyente, at demokratiko.

again, i must manifest that CSSP rock the GASC!

Labels: , ,