bagot at bulalas
bagot. Weekend, April 14 '07
Sa mga babasa ng blog ito may gusto akong i-share sa inyo:
Una: Medyo na-upset lang ako sa mga panyayari noong mga huling araw ng nakaraang linggo. Buti na lang nagkaroon ng overnight/ bodning/ movie screening/ many more ako kasama ng mga orgmates ko sa LIKAS at dahil dito medyo okay na rin ako. Gusto kong magalit pero irrational naman kung wala ka namang kagagalitan diba? Siguro medyo down-time lang ako this nitong nakaraang linggo (kahit SUUUPPEEEERRR nakakapagod ang enrollment ngayong Summer Term sa UP), basta super weird at ayoko ko itong feeling na ito. :(
Ikalawa: BACHELOR LIFE is soooo overrated. Okay sana kung may pera ka and all at kung may magmementina ng tirahan aka "Bachelor Pad" mo... kaya lang kung ikaw lang talaga ang mag-isa sa bahay, nagiging boring din. Then again, Tamad kasi ako eh ayokong kumilos kahit OC naman ako sa kalinisan pero burara naman ako. Which brings me to the next part na aking sharing. Context? Mahaba eh, basta mag-isa lang ako sa bahay, buong linggo.
Ikatlo: Walang kaayusan ang buhay ko. Pakiramdam ko sobrang sabog ng mga iniisip ko sa buhay. Kailangan ko ng kaayusan. Please help.
Ikaapat: Kailangan ko na talagang harapin ang mga alinlangan ko sa bahay. Nito nakaraan na mga araw. May iniiwasan ako gawin, pero nalalapit na ang araw ng paghuhukom(???), sana handa na ako dun.
Ice-cream na nga lang ako.
Ayon, kapag nababagot ka na talaga hindi mo talagang mapigilan ang mga bualalas.
Labels: Angry, Self-introspection

