Thursday, March 29, 2007

My Celebrity Look-alikes

Reaching new levels of vainess!

My cool celebrity look-alike collage from MyHeritage.com. Get one for yourself.

May kamukha akong dalawang artista. dalawang babae, dalawang hapon na di ko kilala, isang newscaster ng NBC at huwag ka, kamukha ko ang Presidente ng isang Bansa (Georgia ata.)

Salamat Nikka sa site! Oi, i-link mo na me! Hehehe...

Labels: ,

Pleasures

Simple lang ako tao. Pakainin nyo lang ako ng masarap (subjective ito) na pagkain, itabi niyo lang ako sa mga kaibigan ko, o papanoorin nyo ako ng Grey's Anatomy o CSI sa cable tv, solb na solb na ako. Bakit ko naman sinasabi ito sa inyo? Wala lang. Kakain ko lang kasi ng Choco Mousse ng Goldilocks at SOOOPER SARAP! Na-appreciate ko lang yung cake kasi haggard lang kasi itong linggo na ito... Papers. papers. more papers. Weird wala lang talaga akong masabi. Babaw. Wala kasi puwang ang kababawan sa mga academic papers or sa buhay for that. Kaya naman nilalasap ko na ito, last slice ko ng Choco Mousse dahil mamaya kailangan na maging seryoso ulit.

Arrghhhh!!! Matapos ka ng Semestre ka! <---- Galit?

Labels:

Sunday, March 18, 2007

Salamat

Wow, ngayon ko lang napagtanto na tatlong buwan na pala akong hindi nakakapost dito sa aking blog site. Kaya isa namang kahihiyan ko hindi ko ito mamimintina ngayong medyo lumuwag na ang aking HECTIC na skedyul.
Bakit naman naging HECTIC?!
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Tumakbo kasi ako sa pagiging Kinatawan ng Departamento ng Kasaysayan (History Department Representative) sa aming Kolehiyo kaya naging SUPER haggard ang nakaraang tatlong buwan sa akin. Nagkaroon kasi ng training at orientation ng mga bagay-bagay (wala na detalye... dahil sobrang dami :D) at inabot yun ng halos isang buwang mahigit... at ang pinaka as in PINAKA nakakapagod sa lahat ang Campaign Period at ang mga sumunod na pangyayari... Well to make the LOOOOONG story short, Nanalo ako kasama ng 16 kong mga kasama minus our Chair { super sob... } at dalawa pang Dept. Reps. Kaya medyo nanunumbalik palang ako sa mga bagay-bagay.
Pero bago pa matapos ang Election hype na ito... Hayaan nyo muna ako magpasalamat sa mga mahahalagang tao at institusyon tumulong sa aking marating kung nasaan ako ngayon. Okie?!
  • Sa lumikha sa akin. Kay God, alam kong pasaway ako pero I will try to make ammends.
  • Sa pamilya ko. Kahit medyo half-hearted ang suporta, basta naging masaya kayo sa pagkapanalo ko okay na lahat sa akin. :) ... Sori pasaway din talaga ako sa pamilya ko.
  • Sa UP LIKAS. Grabe SUPER supportive ang pinakamamahal kong org from the moment I decided to run hanggang ngayon, wala pa rin pumapantay sa kanila. Wala na akong masasabi baka maiyak lang ako... :D
  • Sa BUKLOD CSSP. The training, the educational discussions, the campaign... made me a stronger person... I'm so grateful for that.
  • Sa BUKLOD Slate 07 - 08. Mga kasama ko sa walang tulugang training, at sa HQ, aka the sauna. Sa isang taong pagsasama at paglilingkod sa Kolehiyo. Mabuhay tayo!
  • Sa mga Kas Majors. Maraming salamat sa pinakita nyong suporta sa aking pagtakbo. Huwag kayong mag-alala hindi ko kayo bibiguin.
  • Sa Maki. Sa inyong kaalatan. Hehehe... Mahal ko pa rin kayo. :)
  • Kay Nikka Hao. My Chairperson. Basta inspirasyon ka ng buong Slate.
  • Kay Sir Atoy. Isa kang haligi at institusyon ng ALAYANSA at BUKLOD. Ikaw rin ang nagparealize sa akin na kelangan kong mag-seryoso sa kampanya. Hindi kakalimutan ang mga aral sa HQ and beyond. :)
  • To my special someone. Naks! More than anyone, sobrang na-appreciate ko lahat ng mga efforts mo. Salamat talaga. ÜÜÜ
  • Sa lahat ng sumuporta, nakipag-puyatan with us, sa mga nag-alat sa amin, kasama namin sa pag-RTR, nakipag-kamay sa amin, sa mga nag-heckle sa amin, basta sa lahat... Maraming, maraming, maraming SALAMAT!!! :)

Siguro yun na muna... Grabe haba na eh...

Labels: ,