Balik Real World ulit! Redundant...
Pasukan nanaman sa makalawa... Back to normal ang lahat.
Handa na ba ako sa pasukan o sa mga bagay na darating? Hopefully? Bakit ba laging akong umaasa? ...
Galing noh? Ang bilis ng oras. Alas-5 na ngayon sa bahay... Matatapos nanaman ang araw.
Iba talaga kapag nakikinig ka ng Afterglow ng bandang Inxs... Para kang lumilipad. hehehe....
Yun lang.
Happy New Year ulit! Labels: Acad Related, Self-introspection
HAPPY NEW YEAR!!!
Yahoo !!!
Diba kailang up-beat ang First Entry mo sa Taon para masaya?
Isang Manigong Bagong Taon sa inyo lahat !!!
Maraming bagay ang dapat kong pasalamatan sa nagdaang taon, ngunit akin na lamang yun. Basta marami talaga at tuwang-tuwa ako na dumaan ang 2006 na ligtas ang aking buong pamilya, ang aking mga kaibigan at iba pang tao malapit sa akin.
Bago ako tumalon sa 2007, may pahabol lang akong balita na ikinatuwa ko sa 2006, kumbaga ang huling pahabol ng 2006. Well, malaki talaga siya considering maraming nanamang di ata makakaboto dahil sa gulo ng rehistrasyon... Makakboto ako!!! Yahoo! Nakapag-pasa kami ni Angelique ng mga Forms upang masama ang mga pangalan sa listahan ng mga botante sa Mayo 2007. Aside from that very good news, marami pa akong nakilala sa mga fellow "virgin" voters tulad ko. At least, di lang kami ni Angelique ang lumalaban (literally yun! No Joke!) para makamtan namin ang karapatang bumoto. At least, kahit baluktot ang sistema, marami pa ring mga Pilipino, nakikibaka kasama namin. (Wow!). Kaya sasalubungin namin ang Bagong Taon na umaasa ng pagbabago... at syempre mas masaganang pamumuhay. C:
Ngayon ay 2007 na (Obviously!!!)
Espesyal ang Enero 1 sa pamilya namin dahil di lamang ito unang araw ng Bagong Taon kundi Kaarawan din ni Papa!!! Wow! Ito na siguro ang isa sa mga pinakamaganda sa lahat ng aming pagdiriwang ng aking tatay. Di lang kasi New Year, kundi ang dami-daming pagkain. (Nandun din yung paborito kong cake!!! Chocolate Mousse! Yum. Yum.). Kare-kare, Menudo, Siomai, Embutido, Lumpiang Shanghai, Spaghetti, at syempre ang 13 prutas sa Media Noche, nagdala pa ang mga bisita ng Ice Cream... Wow!!! Wait... BRB... Kain lang ako. :D
Okay... nakakagutom 'to post na ito. C:
Di rin naging ma-effort ang aming after party a.k.a. Clean-up time, dahil di nanamin kailangan maglinis masyada dahil disposable na lahat ng ginamit namin. Kaya mas maraming time para sa Family bonding at less time sa hassle ng paglilinis. C:
Hinanda ko na rin pala ang aking New's Resolution ko para sa 2007. Hopefully matupad ko naman lahat sila. Wanna know? Hehehe... Secret. C:
>>> Secret nga eh... Bakit mo hi-ni-light? C: Naughty!!! HAHAHA!!!!
Maraming mga bagay-bagay na dapat abangan at panabikan. Kaya go na tayo sa 2007.
HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!!
Labels: Elated, Season's Greetings, Update