Sunday, October 01, 2006

Sa WAKAS!!!

Matapos ang mahigit na halos isang buwan na walang linya ng telepono (salamat sa maagap at episyenteng pagkilos ng PLDT) at mahigit sa tatlong araw na walang kuryente, sa wakas mayroon na kaming linya ng telepono at kuryente. Nais ko lang magpasalamat na tapos na ang malaking abalang ito sa buhay namin. Ang hirap pala na walang telepono pakiramdam ko parang hiwalay at "disconnected" ako sa buong mundo, sobrang kakaiba talaga. Mabuti na rin na naibalik ang kuryente sa lugar namin. Kwento ko lang, habang bumabiyahe kami kagabi sobrang nakakapangilabot ang dilim ng paligid. Yun lang. hehe. Medyo natigil lang ang mga reklamo ko sa kawalan ng kuryente kasi di naman ako nag-iisa sa pagtitiis na ito. Pero sa isang banda, mataas ang "expectation" ko sa MERLACO kasi pribado kompanya naman sila kaya dapat lang na episyente sila sa pagbabalik ng kuryente sa Maynila. Yun.

Sa PLDT, naku ang dami ko talaga reklamo sa kompanyang iyan... Dapat ayusin nila ang pagse-serbisyo nila sa mga customer nila. Kita mo? Isang buwang araw-araw na pagtawag sa kanilang customer service ang ginawa namin para maibalik lang ang linya ng telepono namin. Kaya matapos ang 30ng araw ng kawalan ng linya ng telepono, halos 30ng araw na walang tigil na pagtawag, isang nasigawan na customer service assistant, at di mabilang na mura sa mabagal na serbisyo sa wakas naibalik na rin. Parang isang magandang simponiya ang muling marinig ang pag-ring na telepono namin at nakaka-aliw na muli akong makakapag-internet muli ako sa kompyuter namin at nakakapasulat na ako sa blog ko. Yun.

Matapos ang 5ng araw na bakasyon ay muling nagbabalik na ako sa totoong mundo... Mundong nakakabaliw talaga. Meron akong examen sa susunod na linggo sa Pol Sci 14 tungkol kay Joma at isang papel tungkol sa debosyon sa Guadalupe at hanggang ngayon wala pa ako nagagawa. Sana matapos na!!! Sige na nga... dapat na itong simulan.

PS. Napanood niyo ba ang TV Patrol Linggo kanina? Bwisit talaga ang ibang mga taga-UP. SOBRA ANG KAPRANINGAN!!! Ganito kasi yun, alam niyo naman si Bagyong Milenyo? Nasalanta niya ang mahal nating pamantasan at nagkalat pa rin ang mga nalaglag na sanga at puno (Yes! mga puno po ang nalalaglag!
) sa mga daan ng UP. Bukas na ang pasukan at hindi pa handang salubungin ng UP ang mga sasakyan papunta sa kanya at mga sasakyang nag-detour sa UP patungo sa Ateneo at Miriam. Kaya upang tulungan ang UP Admin pumunta ang mga matutulungin na sundalo ng AFP para magtanggal ng mga nakahambalang ng puno. Kaya naman punta naman ang ABS CBN news crew para ibalita ito. Para sa patas na pagbabalita, nag-interview sila ng mga estudyante sa UP. Syempre, umaasa naman ako sa mga negative reactions galing sa mga iba nating kasamahan sa pamantasan pero itong si Ateng tibak, dinala niya ang pagkokomento ng mga Tibak sa isang bagong libel. Parang groggy pa ata siya nung ine-interview siya pero napakalinaw ng kanyang komento... nandun daw ang mga sundalo upang magsagawa ng mga "Surveillance" sa mga "Progresibong Grupo" sa UP.

Ate, Come On!!! Paminsan minsan naman, kahit alam namin natin kritikal ang ibang grupo sa UP sa gobyerno (kahit naman ang malaking bahagi ng komunidad ng UP) magbigay naman tayo ng mga komento patungkol sa ginagawa ng mga sundalo. Nakakainis talaga. Sana naman, bigyan naman natin ng "break" yung mga taong tumutulong sa atin. Pagtapos nito, eh di simulan ninyo ulit yung pagsisigaw ng kapraningan ninyo. Hindi utang-na-loob yun, kaunti rationality lang, kung meron kayo nun. Yun.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home